Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagkaya sa Pagpalya ng Puso

Normal na makaramdam ng kalungkutan o malungkot sa mga panahong nabubuhay kang may pagpalya ng puso. Maaari ding maapektuhan ang iyong damdamin (mood) ng ilang gamot. Maaaring magmukhang mahirap kung minsan ang pagsunod sa iyong plano ng paggamot. Kung nararamdaman mong napupuspos ka, magpokus lang sa isang araw bawat pagkakataon. Huwag matakot na humingi ng tulong sa ibang tao kapag kailangan mo ito.

Dalawang babae na nag-uusap sa labas.

Mga paraan upang mas gumanda ang pakiramdam

Subukang huwag lumayo mula sa kapamilya at mga kaibigan, kahit nararamdaman mong mahirap makipag-usap sa kanila. Maaari pa rin silang magandang pagkunan ng suporta. Upang mas gumanda ang pakiramdam, maaari mo ring:

  • Gamitin ang oras sa paggawa ng mga bagay na nasisiyahan ka. Maaaring kabilang dito ang pagsali sa isang paboritong libangan, pagninilay, pagdarasal, o paggugol ng oras kasama ang mga taong pinagmamalasakitan mo. Humanap ng mga gawaing nagpapasaya sa iyo. At gawin prayoridad ang mga iyon.

  • Ibahagi kung ano ang natutunan mo tungkol sa pagpalya ng puso sa mga tao sa buhay mo. Mag-imbita ng mga miyembro ng pamilya kapag bumisita ka sa iyong tagapangalaga ng kalusugan. Makatutulong ito na maramdaman mong suportdo ka. At makatutulong ito sa iyo na talakayin ang plano ng pangangalaga na napagkasunduan ninyo ng iyong tagapangalaga.

  • Pag-isipan ang pagsali sa isang suportang grupo para sa mga taong may pagpalya ng puso. Maaaring maging mas madali na makipag-usap sa mga taong alam sa simula pa kung ano ang pinagdadaanan mo. Maaari silang makapagbigay ng payo at magbahagi ng mga kuwento. Maaaring gustuhin mong yayain ang mga mahal sa buhay na samahan ka para sa isang meeting.

Paghingi ng tulong

Hindi nangangahulugan ang pagpalya ng puso na kailangang masama ang pakiramdam mo sa lahat ng pagkakataon. Pag-isipan ang pakikipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o isang therapist kung:

  • Pakiramdam mo ay walang halaga o walang magawa, o iniisip ang tungkol sa pagpapakamatay. Ang mga ito ay mga babala ng depresyon. Maaaring makatulong ang paggamot upang mas bumuti ang iyong pakiramdam. Kapag nakokontrol ang depresyon, ang pangkalahatang kalusugan mo ay malamang na bumuti rin.

  • Nababalisa ka tungkol sa kung ano ang mangyayari sa iyong mga mahal sa buhay kung lumubha ang iyong kalusugan. Makatutulong sa iyo na makaramdam na mas sigurado tungkol sa hinaharap ang pag-aasikaso ng mga legal na kaayusan, gaya ng testamento at matatag na kapangyarihan ng abogado.

  • Nararamdaman mo ang stress o nag-iisa. Tumutulong ang mga suportang panlipunan na mabawasan ang stress at tumutulong sa iyo na manatili sa iyong mga pagbabago sa malusog na pamumuhay. Kung walang suportang panlipunan, maaaring humantong kang mabalik sa ospital.

Online Medical Reviewer: Ronald Karlin MD
Online Medical Reviewer: Stacey Wojcik MBA BSN RN
Online Medical Reviewer: Steven Kang MD
Date Last Reviewed: 10/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer