Pagsusuka (Bata)
Ang pagsusuka ay karaniwan sa mga bata. Mayroong maraming posibleng dahilan. Ang pinakakaraniwang dahilan ay impeksyon ng virus. Kabilang sa iba pang sanhi ang heartburn at mga karaniwang karamdaman tulad ng sipon o mga impeksyon sa tainga.
Ang pagsusuka ng mga bata ay karaniwang malulunasan sa tahanan. Karaniwan na hindi nagrereseta ng mga gamot ang tagapangalaga ng kalusugan upang pigilan ang pagsusuka maliban na lamang kung malubha ang mga sintomas. Dehydration ang pangunahing panganib ng pagsusuka. Ibig sabihin nito maaaring mawalan ang iyong anak ng maraming tubig at mga mineral. Para maiwasan ang dehydration, kailangan mong palitan ang nawalang likido sa katawan ng iyong anak gamit ang oral rehydration solution. Mabibili mo ito sa mga botika at sa halos lahat ng grocery store nang walang reseta. Itanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung aling produkto ang pinakamainam para sa iyong anak.
Pangangalaga sa tahanan
Ang unang hakbang para malunasan ang pagsusuka at maiwasan ang dehydration ay bigyan ng tubig nang madalas ngunit paunti-unting ang iyong anak. Sundin ang mga tagublin mula sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak. Ang isang paraan ay inilalarawan sa ibaba:
-
Magsimula sa oral rehydration solution. Bigyan ng 1 hanggang 2 kutsarita (5 hanggang 10 ml) kada 1 hanggang 2 minuto. Kahit magsuka ang iyong anak, patuloy na painumin ayon sa itinagubilin. Matatanggap pa rin ng katawan ng iyong anak ang karamihan sa likido.
-
Habang nababawasan ang pagsusuka ng iyong anak, unti-unting dagdagan ang dami ng ibinibigay na rehydration solution sa mas madalang na pagitan. Ipagpatuloy na gawin ito hanggang sa umiihi na ang iyong anak at hindi na nauuhaw (wala na ang paghahangad na uminom). Huwag bigyan ang iyong anak ng karaniwang tubig, gatas, formula, sports drinks, o iba pang likido hanggang sa hindi pa humihinto sa pagsusuka.
-
Kung magpapatuloy ang madalas na pagsusuka ng higit sa 2 oras, tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan.
Maaaring nauuhaw ang iyong anak at gustong makainom nang mas mabilis. Ngunit kung nagsusuka siya, bigyan lamang ang iyong anak ng likido ayon sa itinagubilin na dami at dalas. Ang masyadong maraming likido sa tiyan ay magdudulot ng higit pang pagsusuka.
Sundin ang mga tagubilin na ito kapag ipagpapatuloy ang pangangalaga sa iyong anak:
-
Pagkalipas ng 2 oras na walang pagsusuka, bigyan ng kaunting malakas na formula, ice chips, broth, o iba pang likido. Huwag bigyan ng mga may asukal na juice, soda, o sports drinks. Bigyan ng mas maraming likido ang iyong anak hangga't nakakaya niya.
-
Pagkalipas ng 24 na oras na walang pagsusuka, simulang muli ang mga matigas na pagkain. Kabilang sa mga ito ang rice cereal, iba pang cereal, oatmeal, tinapay, noodles, karot, dinurog na saging at patatas, kanin, applesauce, dry toast, crackers, sabaw na may kanin o noodles, at nilutong gulay. Bigyan ang iyong anak ng likido hangga't gusto niya. Unti-unting bumalik sa normal na diyeta.
Tandaan: Ang ilang bata ay maaaring sensitibo sa lactose na nasa gatas o formula. Maaaring lumalala ang kanilang mga sintomas. Kapag nangyari iyon, gumamit ng oral rehydration solution sa halip na gatas o formula sa panahon ng ganitong karamdaman.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow-up sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ayon sa itinagubilin. Kung ginawan ng pagsusuri, sasabihin sa iyo ang mga resulta kapag handa na ang mga ito. Sa ilang kaso, maaaring may higit pang kailangang gamutan.
Kailan dapat humingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung ang iyong anak ay:
-
Lagnat (tingnan ang "Lagnat at mga bata" sa ibaba)
-
Nagtutuloy-tuloy ang pagsusuka pagkalipas ng unang 2 oras ng pag-inom ng likido
-
Nagsusuka ng mahigit nang 24 na oras
-
May dugo sa suka o sa dumi
-
May namamagang tiyan o mga senyales ng pananakit ng tiyan
-
May matingkad na kulay ng ihi o walang ihi sa loob ng 8 oras, walang luha kapag umiiyak, lubog na mga mata, o tuyong bibig
-
Ayaw huminto sa pag-aalburuto o patuloy sa pag-iyak at hindi mapatahan
-
Nagkakaroon ng mga bagong pantal
-
Hindi gumagaling na pananakit ng ulo
-
Masakit ang tiyan na nagpapatuloy o lumulubha
-
May mga sintomas na lumalala, o mga bagong sintomas
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung ang iyong anak ay:
-
Hirap sa paghinga
-
Masyadong natutuliro
-
Masyadong inaantok o nahihirapang gumising
-
Hinihimatay (nawawalan ng ulirat)
-
May hindi karaniwang pagbilis ng pintig ng puso
-
May madilaw o maberdeng suka
-
May maraming dugo sa suka o dumi
-
Mapuwersang pagsuka (pabulwak na pagsuka)
-
May kumbulsyon
-
May paninigas ng leeg
Lagnat at mga bata
Gumamit ng digital na thermometer para suriin ang temperatura ng iyong anak. Huwag gumamit ng mercury thermometer. Mayroong iba't ibang uri at gamit ang mga digital na thermometer. Kabilang sa mga ito ang:
-
Sa puwit. Para sa mga batang wala pang 3 taong gulang, pinakatumpak ang temperatura sa puwit.
-
Noo (temporal). Gumagana ito sa mga batang nasa edad 3 buwan at mas matanda. Kung may mga senyales ng sakit ang batang wala pang 3 buwang gulang, maaari itong magamit bilang unang pass. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Tainga (tympanic). Tumpak ang temperatura na pantainga sa mga batang 6 na buwan ang edad, ngunit hindi sa wala pang 6 na buwan.
-
Kili-kili (axillary). Ito ay hindi gaanong maaasahan ngunit maaaring magamit para sa unang pass upang tingnan ang batang anuman ang edad na may mga palatandaan ng sakit. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Bibig (oral). Huwag gumamit ng thermometer sa bibig ng iyong sanggol hanggang siya ay hindi bababa sa 4 na taong gulang.
Gamitin ang thermometer sa puwit nang maingat. Sundin ang mga direksyon ng gumagawa ng produkto para sa tamang paggamit. Dahan-dahan itong ipasok. Pangalanan ito at tiyaking hindi ginagamit sa bibig. Maaari din itong magpasa ng mga mikrobyo mula sa dumi. Kung hindi ka OK sa paggamit ng thermometer sa puwit, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung anong uri ang gagamitin sa halip. Kapag makikipag-usap ka sa sinumang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak, sabihin sa kanya kung anong uri ang ginamit mo.
Nasa ibaba ang mga patnubay upang alamin kung may lagnat ang iyong maliit na anak. Maaari kang bigyan ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ng iba’t ibang numero para sa iyong anak. Sundin ang mga partikular na tagubilin ng iyong tagapangalaga.
Mga sukat ng lagnat para sa sanggol na wala pang 3 buwang gulang:
Mga sukat ng lagnat para sa batang edad 3 buwan hanggang 36 na buwan (3 taon):
-
Puwit, noo, o tainga: 102°F (38.9°C) o mas mataas
-
Kili-kili: 101°F (38.3°C) o mas mataas
Tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan sa mga kasong ito:
-
Temperatura na paulit-ulit na 104°F (40°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad
-
Lagnat na 100.4° F (38° C) o mas mataas sa sanggol na mas bata sa 3 buwan
-
Lagnat na tumatagal ng lampas sa 24 na oras sa batang wala pang 2 taong gulang
-
Lagnat na tumatagal ng 3 araw sa batang 2 taong gulang o mas matanda