Pamamaga ng Parehong Binti

Tinatawag na edema ang pamamaga ng mga paa, bukung-bukong, at mga binti. Sanhi ito ng labis na likido na naipon sa mga tisyu. Nananatili sa pinakaibabang bahagi ang labis na likido sa katawan dahil sa gravity. Ito ang dahilan kung bakit pinakaapektado ang mga binti at paa.
Kabilang sa ilang sanhi ng edema ang:
-
Sakit sa puso, gaya ng pagpalya ng puso na may paninikip ng dibdib
-
Pagtayo o pag-upo sa loob ng mahabang oras
-
Impeksiyon ng mga paa o binti
-
Pagkaipon ng dugo sa mga ugat ng iyong mga binti (venous insufficiency) kapag hindi gaanong nababanat ang mga ugat
-
Lumaking mga ugat sa ibabang binti (varicose veins)
-
Mahinang paglabas ng likido sa lymphatic system
-
Ilang gamot, kabilang ang mga hormone gaya ng mga birth control pill, ilang gamot sa presyon ng dugo gaya ng mga calcium channel blocker, steroid, at ilang antidepressant gaya ng MAO inhibitors at tricyclics
-
Mga panahon ng regla na nagiging sanhi ng iyong pag-iipon ng likido
-
Maraming uri ng sakit sa kidney
-
Pagpalya ng atay o cirrhosis
-
Pagbubuntis, kung saan normal ang ilang pamamaga, ngunit ang biglaang paglubha ng pamamaga ng binti o pagtaas ng timbang ay maaaring senyales ng mapanganib na komplikasyon ng pagbubuntis na tinatawag na eclampsia
-
Di-tamang nutrisyon
-
Sakit sa thyroid
Magdedepende ang paggamot sa kung ano ang sanhi ng pamamaga sa iyong mga binti. Maaaring magreseta ang iyong tagapangalaga ng kalusugan ng mga water pill (diuretics) para alisin ang labis na likido.
Pangangalaga sa tahanan
Sundin ang mga tagubilin na ito kapag nangangalaga sa iyong sarili sa iyong tahanan:
-
Panatilihing nakataas ang iyong mga binti habang nakahiga o nakaupo.
-
Kung ang impeksiyon, pinsala, o kamakailang operasyon ay nagdudulot ng pamamaga, pagpahingahin ang iyong mga binti hangga't maari hanggang sa bumuti ang mga sintomas.
-
Kung sinabi ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na sanhi ng venous insufficiency o varicose veins ang pamamaga ng iyong binti, huwag umupo o tumayo nang mahabang oras sa iisang lugar. Magpahinga at maglakad kada ilang oras. Mainam na ehersisyo ang paglalakad nang mabilis. Tumutulong itong paikutin ang dugong naipon sa iyong binti. Makipag-usap sa iyong provider tungkol sa paggamit ng support stockings para mapigilan ang pamamaga ng binti sa araw.
-
Kung sabihin ng tagapangalaga na nagdudulot ng pamamaga ng binti ang iyong sakit sa puso, sundin ang diyetang kaunti ang asin para mapigilang manatili ang labis na likido sa iyong katawan. Maaaring kailanganin mo rin ng gamot.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, o ayon sa ipinayo.
Kailan dapat humingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:
-
Lumalalang pamamaga sa parehong binti o bukung-bukong
-
Pamamaga ng tiyan (abdominal)
-
Pamumula, pag-init, o pamamaga sa 1 binti
-
Lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga
-
Paninilaw ng iyong balat o mga mata
-
Mabilis at hindi maipaliwanag na pagtaas ng timbang
-
Pagtulog nang nakaupo o paggamit ng mas maraming unan
Tumawag sa 911
Tumawag kaagad sa 911 o humingi ng medikal na pangangalaga kung mayroon ka ng mga sumusunod:
Online Medical Reviewer:
Callie Tayrien RN MSN
Online Medical Reviewer:
Stacey Wojcik MBA BSN RN
Online Medical Reviewer:
Steven Kang MD
Date Last Reviewed:
8/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.