Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-unawa sa Sepsis

Ang sepsis ay isang problemang nagsasapanganib sa buhay na nakaaapekto sa iyong mga organ. Maaari itong mangyari kung may malubha kang impeksiyon. Pinakamadalas itong sanhi ng bakterya. Umaabot ang kalubhaan nito mula sepsis patungo sa malalang sepsis hanggang septic shock. Lahat ng ito ay medikal na emergency. Kailangang magamot kaagad ang mga ito.

Ano ang sepsis?

Ang sepsis ay kapag tumutugon ang katawan sa isang impeksiyon na may malubhang pamamaga. Maaari itong sanhi ng bacteria, fungus, o isang virus. Maaaring magdulot ang sepsis ng maraming uri ng problema sa katawan. Maaari itong humantong sa matinding pagbaba ng presyon ng dugo (pagkabigla). Maaari itong magdulot ng pagpalya ng organ. Maaari itong humantong sa pagkamatay kung hindi magagamot.

Pinakakaraniwan ang sepsis sa:

  • Adultong 65 taong gulang at mas matanda

  • Mga pasyenteng nasa intensive care unit (ICU)

  • Mga taong may central venous line o urinary catheter

  • Mga taong may impeksiyon sa dugo (bacteremia), pulmonya, meninghitis, o impeksiyon sa daanan ng ihi

  • Mga taong may ilang kanser, diabetes, o pangmatagalang sakit sa kidney o atay

  • Mga taong may sakit sa immune system tulad ng HIV o AIDS

  • Mga taong nagkaroon ng organ transplant o bone marrow o stem cell transplant

  • Mga taong umiinom ng mga gamot na nakaaapekto sa immune system

  • Mga taong ginagamot ng chemotherapy, mga gamot na steroid, o radiation

  • Mga taong may matitinding pinsala, kabilang ang mga paso

Mga sintomas ng sepsis

Maaaring kabilang sa mga sintomas ng sepsis ang:

  • Mga pagkaginaw at panginginig

  • Mataas na lagnat

  • Mababang presyon ng dugo

  • Mabilis na tibok ng puso

  • Mabilis na paghinga

  • Kakapusan sa hininga

  • Matinding pagduwal o hindi makontrol na pagsuka

  • Pagkatuliro

  • Hindi kayang gumising o walang kamalayan (coma)

  • Pagkahilo

  • Mas kaunti ang pag-ihi

  • Matinding pananakit, kabilang ang sa likod o mga kasukasuan 

Pag-diagnose sa sepsis

Kung sa palagay ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na may sepsis ka, ipapasok ka sa ospital. Magkakaroon ka ng mga pagsusuri. Maaari kang magkaroon ng mga pagsusuri ng dugo at ihi. Maaaring magkaroon ka ng mga culture at iba pang pagsususri upang alamin ang sanhi ng sepsis. Hinahanap ng mga pagsusuring ito ang mga bakterya, virus, at fungus. Maaaring tingnan sa iba pang pagsusuri kung may mga problema sa iyong mga organ. Maaaring magkaroon ka ng mga X-ray o iba pang imaging test. Maaaring gawin ang mga ito upang tingnan ang iyong mga organ upang mahanap ang pinagmumulan ng impeksiyon.

Paggamot sa sepsis

Medikal na emergency ang lahat ng anyo ng sepsis. Dapat gamutin ang mga ito sa ospital, kadalasang sa intensive care unit (ICU). Kung mayroon kang sepsis, bibigyan ka ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ng mga antibayotiko sa pamamagitan ng manipis, nababaluktot na tubo (IV). Inilalagay ito sa isang ugat sa iyong braso o sa ibang bahagi ng iyong katawan. Bibigyan ka ng maraming likido sa pamamagitan ng IV. Maaari kang bigyan ng nutrisyon o mga gamot sa pamamagitan ng iyong IV.

Kakausapin ka ng iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa iba pang paggamot na maaaring kailangan mo. Maaaring kasama sa mga ito ang oxygen mask o isang ventilator upang matulungan kang huminga. Maaaring kasama rito ang gamot na magpapataas ng presyon ng iyong dugo. Maaaring kailanganin mo ng dialysis dahil sa pagpalya ng bato. Maaaring tumagal ang paggamot nang 7 hanggang 10 araw. Kahit may maraming paggamot, maaaring humantong ang sepsis sa kamatayan.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer