Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Diabetes: Pag-aaral Tungkol sa Laki ng Takal at mga Bahagi

Mga takal at bahagi. Ano ang pagkakaiba? Maaaring maging sobrang nakakalito ang mga salitang ito. Pero makatutulong sa iyo na matutunang sukatin ang mga laki ng takal na malaman kung gaano karaming mga carbohydrate (mga carb) at iba pang pagkain ang kinakain mo bawat araw. Mga mabisang kagamitan din ang mga ito para sa pamamahala ng iyong timbang.

Plato ng hapunan na may balanseng mga bahagi ng karne, gulay, at arina, na may isang baso ng gatas.
Ang magandang alituntunin ay: Ilaan ang kalahati ng iyong plato sa mga gulay at berdeng ensalada. Hatiin ang isa pang kalahati sa pagitan ng protina at maharinang carbohydrate. Magandang panghimagas ang prutas.

Mga takal at bahagi

Maraming iba't ibang salita ang ginagamit para ilarawan ang mga dami ng pagkain. Kung gumagamit ang iyong tagapangalaga ng kalusugan ng isang salita na hindi ka sigurado, huwag matakot na magtanong. Nakatutulong na malaman ang pagkakaiba sa pagitan ng mga takal at bahagi:

  • Ang dami ng hain. Isa itong nakapirming dami. Ginagamit ng mga gumagawa ng pagkain ang salitang ito para ilarawan ang kanilang produkto. Halimbawa, masasabi ng etiketa sa isang kahon ng cereal na ang 1 tasa ng tuyong cereal = 1 takal.

  • Ang bahagi (tinatawag ding isang pagkuha ng pagkain). Ito ay kung gaano karami ang iyong kinakain o kung gaano karami ang inilalagay mo sa iyong plato sa isang pagkain. Halimbawa, maaari kang kumain ng 2 tasa ng cereal sa agahan.

Pagbabantay sa mga dami ng hain

Ang bahagi na pinili mong kainin (gaya ng 2 tasa ng cereal) ay maaaring mahigit sa 1 takal ayon sa nakalista sa etiketa ng pagkain (gaya ng 1 tasa ng cereal). Kaya makatutulong na sukatin o timbangin ang pagkaing kinakain mo. Dahil ang mga halaga sa etiketa ng pagkain ay batay sa mga takal, kakailanganin mong malaman kung ilang takal ang kinakain mo sa 1 pag-upo.

Kapag nagpaplano ka ng meryenda o pagkain, tandaan ang mga takal. Kung wala kang mga magagamit na tasang panukat o timbangan, maraming paraan para malaman ang mga laki ng takal. Halimbawa, maaari mong ikumpara ang pagkain sa laki ng iyong kamay (tingnan ang mga larawan sa ibaba). Narito ang ilang karaniwang payo:

  • Halow 3 onsa ng karne ang kasya sa palad ng iyong kamay

  • 1 tasa ng pagkain ay halos kasing laki ng iyong kamao

  • Humahawak ang bukas na palad ng halos 1 hanggang 2 onsa ng mani

Palad ng bukas na kamay na ipinakikita ang 2-3 onsa ng laki ng bahagi.
Mga onsa: ang 2 hanggang 3 onsa ay halos kasing laki ng iyong palad.
Kamao na ipinakikita ang isang tasa ng laki ng bahagi.
1 tasa: 1 tasa (o katamtamang laki na piraso) ay halos kasing laki ng iyong kamao.
Nakakuyom na kamay na ipinakikita ang kalahating tasang laki ng bahagi.
1/2 tasa: 1/2 tasa ay halos kasing laki ng iyong nakakuyom na kamay.

Pamamahala ng mga dami ng takal

Kung alalahanin ang iyong timbang, makakatulong ang pagbawas ng iyong mga bahagi. Ang bahagi ay ang dami ng bawat uri ng pagkain sa iyong plato. Maaari kang kumain ng mahigit sa 1 takal ng pagkain nang sabay-sabay. Pero para makaiwas na kumain nang napakarami sa 1 pagkain, pag-aralang pamahalaan ang iyong mga bahagi. Makakatulong din ang pagkontrol ng bahagi sa pamamahala ng asukal sa dugo.

Online Medical Reviewer: Callie Tayrien RN MSN
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer: Robert Hurd MD
Date Last Reviewed: 1/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer