Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Type 1 Diabetes at ang Iyong Anak: Plano sa Araw na Maysakit

Batang lalaki na nakaupo at sinusuri ang kanyang lebel ng asukal sa dugo na nakaupo sa tabi niya ang kanyang ina.

Kapag maysakit ang iyong anak, maaaring magbago ang kanyang lebel ng asukal (glucose) sa dugo. Maaari nitong gawing mas mahirap pamahalaan ang iyong asukal sa dugo. Kakailanganin mong:

  • Bantayang mabuti ang iyong anak.

  • Suriin ang kanyang asukal sa dugo nang mas madalas.

  • Suriin ang kanyang dugo o ihi para sa ketones. Ang ketones ay dumi kapag sinusunog ng katawan ang taba sa halip na glucose para sa enerhiya. Tinatawag ang kondisyon na ketosis.

  • I-adjust ang dosis ng insulin ng iyong anak. Sasabihin sa iyo ng tagapagangala ng kalusugan ng iyong anak kung ano ang gagawin.

Para maging handa, makipagtulungan sa tagapangalaga ng iyong anak upang gumawa ng plano sa araw na maysakit. Dapat kasama rito ang:

  • Kung ano ang imo-monitor, susuriin, at ia-adjust kapag maysakit

  • Ang mga numero ng telepono ng tagapangalaga (kasama ang mga numero pagkatapos ng trabaho at kailan dapat tumawag sa 911)

Magtabi ng kopya ng plano sa isang lugar na madaling ma-access. Magdala rin ng kopya kung sakaling magkasakit ang iyong anak kapag wala kayo sa bahay. Kung gumugugol ang iyong anak ng maraming oras sa iba pang tagapag-alaga, gaya ng mga lolo at lola, siguraduhing mayroon din silang kopya.

Ituro sa mga tagapangalaga ng iyong anak sa daycare at mga guro ang tungkol sa diabetes at pangangalaga sa diabetes. May mga payo ang programang Ligtas sa Paaralan ng The American Diabetes Association tungkol sa kung paano mag-set up ng isang programa sa pangangalaga ng diabetes sa paaralan ng iyong anak.

Pangangalaga sa iyong anak

Maaaring maging sanhi ng pagtaas ng asukal sa dugo ng iyong anak ang mga impeksiyon, trangkaso, at maging ang sipon. At maaaring maging sanhi ng pagbagsak ng kanyang asukal sa dugo ang mga bagay tulad ng pagkain ng mas kaunti, pagkakaroon ng masakit na tiyan (pagduduwal), at pagsusuka. Kapag maysakit ang iyong anak, maaari mong gawin ang sumusunod:

  • Ihanda ang isang kahon para sa araw na maysakit. Bago magkasakit ang iyong anak, gumawa ng isang kahon para sa araw na maysakit. Maaaring kasama sa kahon ang: isang thermometer, mga strip sa pagsusuri ng ketone ng dugo at ihi, at mga gamot na ipinayo ng tagapangalaga ng iyong anak. Maaaring ipayo ng tagapangalaga ang iba pang uri ng insulin para sa matataas na lebel ng glucose o glucagon para sa mabababang lebel ng glucose. Magdagdag din ng isang lata ng sopas, biskwit, juice na walang asukal, at regular na juice. At magtabi ng ilang iladong juice bar, may asukal ang ilan at walang asukal ang ilan, sa freezer. Tingnan ang mga petsa ng pag-expire ng mga item na nasa kahon para sa araw na maysakit minsan isang buwan. Maglagay sa kahon ng isang kopya ng plano sa araw na maysakit. Alamin kung anong mga gamot na nabibili nang walang reseta ang may asukal.

  • Hikayatin ang iyong anak na kumain at uminom. Makatutulong ito upang kontrolin ang asukal sa dugo ng iyong anak at maiwasang ma-dehydrate siya.

  • Gawing nakahanda ang iba pang pagpipiliang pagkain. Kung hindi makakain ang iyong anak, pasipsipin siya ng katas ng prutas, soft drinks na may asukal, o mga ice cube na gawa sa juice o tubig na asukal. O subukan ang gelatin, iladong mga juice bar, o sorbetes na kaunti ang taba.

  • Tiyaking umiinom ng maraming tubig ang iyong anak. Dapat manatiling hydrated ang iyong anak.

  • Madalas na suriin ang glucose sa dugo. Maaaring kailanganin mong suriin ang asukal sa dugo ng iyong anak bawat ilang oras, o mas madalas pa.

  • Huwag laktawan ang insulin. Palaging panatilihing magbigay ng insulin. Kahit hindi kumakain ang iyong anak, kailangan mo pa ring palitan ang basal rate ng insulin na palaging ginagawa ng katawan. I-adjust ang dami ng insulin na ibinibigay mo sa iyong anak ayon sa plano para sa araw na maysakit. Ngunit huwag laktawan ang insulin, kahit nagsusuka ang iyong anak. Maaaring humantong sa ketoacidosis ang paglaktaw sa insulin (tingnan sa ibaba). Tumawag sa tagapangalaga ng iyong anak kung hindi ka sigurado kung gaano karaming insulin ang ibibigay sa iyong anak. Huwag hayaan ang iyong anak na mag-ehersisyo habang mataas pa rin ang ketones at asukal ng kanyang ihi o dugo.

Ano ang ketosis?

Kailangan ng katawan ang glucose para sa enerhiya. Kung hindi makuha ng katawan ang glucose na kailangan nito, magsisimula itong sumunog ng taba. Ngunit hindi pinakamabuting gatong ang taba para sa katawan. Maaaring maipon ang mga ketone sa dugo at ihi. Tinatawag itong ketosis. Mga babala ng ketoacidosis ang ketones. Suriin ang dugo o ihi ng iyong anak para sa ketones kapag may sakit, ayon sa ibinilin ng kanyang tagapangalaga ng kalusugan, kadalasang bawat 4 na oras. Kung may mga ketone sa dugo o ihi, tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong anak.

Ano ang ketoacidosis?

Kapag mataas ang mga lebel ng ketone, maaari itong humantong sa ketoacidosis. Bantayan ang iyong anak para sa mga sintomas ng ketoacidosis. Kabilang sa mga ito ang:

  • Masakit na sikmura at pagsusuka

  • Pamumulikat ng tiyan

  • Mabilis at malalim na paghinga

  • Amoy prutas na hininga

  • Malabong paningin

  • Nahihirapang magpokus o pagkalito

  • Tuyo o namumulang balat

  • Positibo ang mga ketone sa ihi o dugo

Isang medikal na emergency ang ketoacidosis. Kung sa palagay mo na may ketoacidosis ang iyong anak, tumawag sa 911o dalhin siya kaagad sa emergency room ng ospital.

Kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng iyong kalusugan

Tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung:

  • Hindi ka sigurado kung gaano karaming insulin ang ibibigay kapag maysakit ang iyong anak.

  • Mas mataas kaysa normal o mahigit sa 250 mg/dL ang asukal sa dugo ng iyong anak at hindi bumababa pagkatapos kumuha ng insulin.

  • Mas mababa kaysa normal ang lebel ng asukal sa dugo ng iyong anak o mababa sa 70 mg/dL.

  • May ketones ang dugo at ihi ng iyong anak.

  • May mga bagong sintomas ang iyong anak, o lumulubha ang kanyang mga sintomas.

Tumawag sa 911

Tumawag sa 911 kaagad kung:

  • Sinuri mo ang iyong anak para sa ketones at sa palagay mo ay may ketoacidosis siya.

Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer: Robert Hurd MD
Date Last Reviewed: 3/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer