Mga Tagubilin sa Paglabas sa Ospital para sa Hyponatremia
Na-diagnose ka na may hyponatremia, ibig sabihin masyadong mababa ang antas ng sodium (asin) sa iyong dugo. Kailangan ng katawan at utak ang asin upang gumana. Maaaring makamatay ang sobrang baba ng antas ng sodium sa dugo. Kabilang sa mga sintomas ang pananakit ng ulo, pagkatuliro, pagkahapo, pulikat, halusinasyon, kombulsyon, at coma. Ginamot ka upang pataasin ang antas ng sodium sa iyong dugo. Makatutulong sa iyo ang mga tagubiling ito upang alagaan ang iyong sarili sa tahanan gaya ng ipinagagawa sa iyo.
Pangangalaga sa tahanan
-
Limitahan ang iyong pag-inom ng mga likido. Inumin lamang ang dami na ibinilin ng tagapangalaga ng iyong kalusugan.
-
Magtanong sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung ano ang dapat gamitin upang palitan ang likido kung nagsusuka ka.
-
Ipagpatuloy ang lahat ng follow-up na appointment. Kailangang subaybayang mabuti ng iyong tagapangalaga ang iyong kondisyon.
Upang makatulong na iwasan ang hyponatremia:
-
Inumin ang lahat ng gamot ayon sa itinagubilin. Kayang pababain ng ilang gamot ang antas ng sodium sa dugo.
-
Kung labis kang pinagpawisan sa iyong ginawa, uminom ng mga likidong mayroong asin at iba pang electrolytes.
-
Sabihin sa lahat ng tagapangalaga ng iyong kalusugan kung anong mga gamot ang iyong iniinom. Banggitin ang lahat ng inirereseta at mga gamot na nabibili ng walang reseta at halamang gamot.
-
Madalas ipasuri ang iyong antas ng sodium. Mahalaga ito kung umiinom ka ng diuretic (gamot na tumutulong upang alisin ang tubig sa iyong katawan).
Mag-follow up
Mag-follow up sa tagapangalaga ng iyong kalusugan, o ayon sa ipinayo.
Kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng iyong kalusugan
Tumawag kaagad sa tagapangalaga kung mayroon ka ng alinman sa mga sumusunod:
-
Matinding pagkapagod
-
Pagkahimatay
-
Pagkahilo
-
Pagkawala ng gana
-
Pagkahilo o pagsusuka
-
Pagkatuliro o pagkamalilimutin
-
Pananakit, pulikat, pagkibot ng kalamnan
-
Kumbulsyon
-
Abnormal na paglakad
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.