Osteoporosis: Pag-screen para sa Panghihina ng Buto
Sinusukat ang lakas ng mga buto sa pamamagitan ng densidad ng mga ito. Ibig sabihin nito na kung gaano kakapal ang tisyu ng buto. Ibig sabihin ng mataas na densidad ng buto na hindi gaano malamang na mabasag (mabali) ang mga buto. Maaari kang isangguni ng iyong tagapangalaga ng kalusugan para sa pagsusuri ng densidad ng buto kung nasa panganib ka ng panghihina ng buto.
Pasusuri ng densidad ng buto
Ligtas, mabilis, madali, at hindi masakit ang pagsusuri ng densidad ng buto. Maaaring matuklasan dito ang osteoporosis bago mangyari ang bali. Nasusukat din nito kung gaano kahusay na gumagana ang paggamot. Maraming uri ng mga pagsusuri na maaari mong ipagawa. Kabilang sa mga ito ang:
-
Mga sentral na pagsusuri. Ginagamit ang mga ito para sa pag-screen at pag-diagnose. Sinusukat ng mga ito ang densidad sa balakang at gulugod. Ang pangunahing sentral na pagsusuri ay isang espesyal na X-ray na tinatawag na DEXA scan (dual energy X-ray absorptiometry). Ang DEXA ang pamantayan sa pagsusuri ng densidad ng buto.
-
Mga pagsusuri na peripheral. Ginagamit ang mga ito para sa pag-screen. Sinusukat ng mga ito ang densidad sa daliri, galanggalangan, tuhod, lulod, o sakong. Quantitative Ultrasound (QUS) ang karaniwang pagsusuri na peripheral. Ngunit hindi kasing tumpak ang QUS screening ng DEXA screening.

Sino ang dapat masuri?
-
Lahat ng postmenopausal na kababaihan na mas bata sa edad na 65, na may 1 o higit pang dahilan ng panganib bilang karagdagan sa menopause
-
Lahat ng kababaihan na may edad na 65 at mas matanda
-
Postmenopausal na kababaihan na may mga bali
-
Mga kababaihan na nag-iisip tungkol sa paggamot para sa osteoporosis
-
Mga kababaihan na matagal nang nasa hormone therapy
-
Mga kalalakihan o kababaihan na may ilang kondisyon sa kalusugan (tulad ng diabetes) o umiinom ng partikular na gamot (tulad ng glucocorticoids o prednisone) nang matagal na
Mga karaniwang lokasyon ng pagsusuri sa iyong katawan
Maaaring mabali ang alinmang buto. Ngunit sa osteoporosis, mas madaling mabali ang ilang buto. Kasama sa mga ito ang mga buto sa gulugod, galanggalangan, balikat, at balakang. Iyon ang dahilan kung bakit maaaring gawin ang pagsusuri ng densidad ng buto sa 1 o higit pa sa mga bahaging ito ng iyong katawan.
Pag-unawa sa iyong mga resulta
Maaaring mukhang nakalilito sa una ang iyong mga resulta ng pagsusuri. Hingin sa iyong tagapangalaga na ipaliwanag. Ihahambing niya ang iyong bone mineral density (BMD) sa BMD ng mas bata at malusog na buto. Tinatawag na T-score ang resulta. Muling nagbabago (remodel) ang mga buto sa iba't ibang bilis. Kaya hindi nangangahulugan na malusog din ang gulugod kung malusog ang T-score sa galanggalangan. Kaya naman mahigit sa 1 bahagi ng iyong katawan ang maaaring ma-scan.
Online Medical Reviewer:
Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer:
Stacey Wojcik MBA BSN RN
Online Medical Reviewer:
Thomas N Joseph MD
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.