Matapos ang Pagputol ng Binti: Pagpapanatiling Malusog ang Kabilang Binti
BIG: Ang pangangalaga sa iyong kabilang binti ay kasing halaga ng pangangalaga sa iyong biyas. Ang problema sa balat o sirkulasyon na nagging sanhi ng pagkaputol ay maaaring mangyari din sa kabilang binti.
Pangangalaga sa Balat
-
Linisin at suriin ang iyong balata araw-araw, katulad ng pagsuri sa balat sa iyong biyas.
-
Gumamit ng salamin upang suriin ang talampakan para sa mga bitak o sugat.
Pangangalaga sa Paa
-
Gumamit ng matibay na sapatos na may mababang takong at isang sapatos na hindi kita ang mga daliri upang maiwasan ang hiwa o impeksiyon.
-
Gupitin ang iyong mga kuko sa paa upang hindi sila maging ingrown. Gupitin ng diretso sa tapat ng kuko. Ang iyong doktor o physical therapist ay maaaring irekomenda na ipagawa ito sa isang doktor sa paa (podiatrist).

Online Medical Reviewer:
L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer:
Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer:
Thomas N Joseph MD
Date Last Reviewed:
12/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.