Mga Problema sa Balbula ng Puso
Trabaho ng iyong puso ang magbomba ng dugo sa iyong katawan. Nagsisimula ang trabahong iyon sa pagbomba ng dugo sa puso mismo. Sa loob ng iyong puso, dumadaan ang dugo sa mga serye ng one-way na mga pintuan (mga balbula). Kung hindi gumagana nang tama ang isang balbula, hindi sapat ang dugo na dumadaloy nang pasulong. Maaaring hindi bumukas nang sapat na luwang, hindi sumara nang sapat na kipot, o pareho ang isang may problemang balbula ng puso. Sa alinmang kaso, hindi sapat na dugo ang naipapadala sa kalamnan ng puso o palabas patungo sa katawan.
Mga sintomas ng mga problema sa balbula ng puso
Maaaring magkaroon ka ng problemang balbula nang ilang dekada ngunit walang sintomas. Kung mayroon kang mga sintomas, maaaring dumating nang dahan-dahan na halos hindi mo mapapansin ang mga ito. Bagama’t sa ibang kaso, lumilitaw nang bigla ang mga sintomas. Maaari kang magkaroon ng isa o higit pa ng mga sintomas na ito:
-
Mga problema sa paghinga kapag humihiga ka, pinupuwersa ang sarili, o nagkakaroon ng emosyonal na stress
-
Pananakit, presyon, paninikip o pamamanhid sa iyong dibdib, leeg, likod o mga braso (angina)
-
Nakakaramdam ng pagkahilo, panghihina o pagkalula
-
Pagkapagod, lalo na kapag may gawain o sa paglipas ng araw
-
Paggising sa gabi nang umuubo o kinakapos sa paghinga
-
Mabilis, pagkabog o hindi regular na tibok ng puso
-
Pakiramdam ng pagkabalisa sa iyong dibdib
-
Pamamaga ng mga bukong-bukong o mga paa
-
Pagkahimatay, lalo na sa pagtayo o sa pagbuhos ng lakas
Mga karaniwang sanhi ng mga problema sa balbula
Maaaring magkaroon ng problema sa balbula ng puso ang mga taong nasa anumang edad. Maaaring ipinanganak kang may problema sa balbula. O maaaring masira ang isang balbula habang tumatanda ka. Maaaring hindi posibleng maituro kung ano ang nagdulot ng iyong problema sa balbula. Ngunit kabilang sa mga karaniwang sanhi ang:
-
Pamumuo ng calcium o tisyu ng pilat sa isang balbula
-
Rheumatic fever at iba pang tiyak na impeksiyon at mga sakit
-
Mataas na presyon ng dugo
-
Iba pang problema sa puso, tulad ng coronary artery disease
-
Mga namanang depekto sa mga balbula ng puso
Mga problema sa pagbukas (stenosis)
 |
Abnormal na pagkitid ng daluyan |
Kapag hindi nagbubukas nang lubusan ang isang balbula, tinatawag na stenosis ang problema. Maaaring magkadikit o masyadong matigas ang mga leaflet upang lubusan itong magbukas. Kapag hindi nagbukas nang lubusan ang balbula, kailangang dumaloy ng dugo sa isang mas maliit na butas. Kaya kailangang magtrabaho ang kalamnan ng puso nang husto upang itulak ang dugo sa balbula.
Mga problema sa pagsara (regurgitation)
 |
Pagsuka |
Kapag ang isang balbula ay hindi nagsasara nang ganap na mahigpit at tumatagas ang dugo paurong sa balbula, tinatawag na regurgitation o kakulangan ang problema. Maaaring ilarawan ang balbula mismo bilang tumatagas. Maaaring hindi maayos na magdikit nang magkakasama ang mga leaflet. O maaaring maging punit ang mga bahagi na sumusuporta sa kanila. Tumatagas ang ilang dugo sa balbula pabalik sa silid na pinanggalingan nito. Kaya kailangang ilipat ng puso ang dugong iyon nang dalawang beses. Maaari itong magresulta sa pagkasira ng kalamnan ng puso.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.