Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pangangalaga sa Suso Pagkatapos Manganak

Ilang araw pagkatapos isilang ang iyong sanggol, mamamaga ang iyong mga suso dahil sa gatas. Malamang na malambot at mabigat ang pakiramdam ng mga ito. Ito ay normal. Upang makatulong na maiwasan ang pananakit ng suso at kontrolin ang iritasyon, sundin ang mga payong ito.

Pagkaya sa pamamaga

Narito ang mga payo upang makayan ang pamamaga ng suso:

  • Gumamit ng mga cold compress o isang ice pack upang makatulong na mabawasan ang kirot o pananakit.

  • Magpasuso nang madalas upang maiwasan ang pagbara ng gatas sa daluyan nito sa iyong suso.

  • Kung dapa ang iyong mga utong mula sa pamamaga ng suso, magpalabas ng kaunting gatas sa pamamagitan ng kamay. Pumiga ng ilang patak ng gatas sa pamamagitan ng pagmamasahe at pagpiga sa iyong mga suso.

  • Tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon kang pamamaga na may pananakit o lagnat.

Pag-iwas sa pananakit ng mga utong

Narito ang mga payo upang maiwasan ang pananakit ng mga utong:

  • Tiyaking nakakapit nang tama ang iyong sanggol sa iyong suso. Dapat buksan nang malawak ang bibig ng sanggol at dapat nasa bibig ng sanggol ang kabuuan ng iyong areola.

  • Maaari mong hayaang matuyo ang gatas sa iyong mga utong. Maaaring maprotektahan ng natuyong gatas ang balat sa iyong utong.

  • Huwag gumamit ng alkohol, sabon, o mababangong panlinis sa iyong mga suso. Maaaring maging sanhi ang mga ito ng pagkatuyo at pagbitak ng mga utong.

  • Huwag magsuot ng mga nursing pad na may lining na plastik. Pinipigil ng mga ito ang kahalumigmigan at maaaring maging sanhi ng pamumutok.

  • Kung namamalat o dumudugo ang iyong mga utong, kumonsulta sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o consultant sa pagpapasuso. Sisiguraduhin nilang tama ang kapit ng iyong sanggol at maaaring magmungkahi ng paggamot na ipinapahid sa balat, tulad ng purong lanolin.

Pagpili ng tamang bra

Lalong mahalaga ngayon ang pagsusuot ng bra na tama ang laki. Kung masyadong masikip ang isang bra, maaari itong maging sanhi ng pagbara ng isang daluyan sa iyong suso at mairita. Kung maaari, humingi ng tulong sa isang tindera ng bra na isukat sa iyo ang bagong bra. Maghanap ng bra na 100% cotton at komportable. Pumili din ng isang bra na may malalapad na strap na hindi susundot sa iyong likod at mga balikat. Kung nagpapasuso ka, humanap ng nursing bra na nagbibigay-daan sa iyo na mabuksan ang isang suso sa bawat pagkakataon.

Kung hindi ka nagpapasuso

Narito ang mga tip upang maiwasan ang kawalang-ginhawa:

  • Huwag pasiglahin ang iyong mga utong

  • Magsuot ng hapit na bra

  • Maglagay ng cold compress o mga ice pack para sa kawalang-ginhawa

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag agad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:

  • Lagnat o panginginig

  • Matinding pagkapagod at mga pananakit ng katawan, na para bang mayroon kang trangkaso

  • Paghapdi o pananakit sa isa o parehong suso

  • Mapupulang guhit sa suso

  • Matigas o bukul-bukol na mga bahagi sa isa o magkabilang suso

  • Pakiramdam ng init o init sa isa o magkabilang suso

  • Mga suso na labis na namamaga kaya hindi makakapit ang iyong sanggol sa mga utong

  • Mga utong na nagbibitak o dumudugo

  • Mahinang supply ng gatas o hindi malayang dumadaloy ang iyong gatas

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer