Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pangangalaga sa Pusod

Makatutulong ang tamang pangangalaga sa paghilom ng pusod ng iyong sanggol. Huwag hilahin o sungkitin ang pusod. Dapat kusa itong malaglag sa loob ng 2 linggo pagkatapos maisilang. Gamitin ang mga hakbang sa ibaba bilang gabay.

Pangangalaga sa pusod ng iyong sanggol

Para makatulong na maiwasan ang impeksiyon at panatilihing tuyo ang pusod:

  • Panatilihing nahahanginan ang pusod.

  • Itupi ang itaas na gilid ng diaper, para hindi natatakpan o kumukuskos ang diaper sa pusod.

  • Huwag bihisan ang iyong sanggol ng damit na humahapit sa pusod.

  • Huwag ilagay ang sanggol sa tubig ng bath tub hanggang malaglag ang pusod at ang bahagi kung saan nakadikit ang pusod ay tuyo at naghihilom. Sa halip, paliguan ang iyong sanggol ng mamasa-masang bimpo.

  • Huwag subukang tanggalin ang pusod. Kusa itong malalaglag. Karaniwang makakita ng kaunting matigas na dugo sa pusod. Maaari din itong dumugo nang kaunti at mamantsahan ang damit ng sanggol kapag malalaglag na ang pusod.

Tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong sanggol

Closeup ng tiyan ng sanggol na ipinapakita ang pamamaga sa tiyan sa paligid ng pusod.
Pamamaga ng pusod sa maputing balat.
Closeup ng tiyan ng sanggol na ipinapakita ang pamamaga sa tiyan sa paligid ng pusod.
Pamamaga ng pusod sa maitim na balat.

Makipag-ugnayan sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong sanggol kung makakita ka ng anuman sa sumusunod:

  • Pamumula o pamamaga sa paligid ng pusod

  • Pagtagas o mabahong amoy na nagmumula sa pusod

  • Hindi nalalaglag ang pusod sa loob ng 4 na linggo pagkatapos isilang

  • May lagnat ang iyong sanggol (tingnan ang Lagnat at mga bata, sa ibaba)

Lagnat at mga bata

Gumamit ng digital na thermometer para suriin ang temperatura ng iyong anak. Huwag gumamit ng mercury thermometer. Mayroong iba't ibang uri at gamit ang mga digital na thermometer. Kabilang sa mga ito ang:

  • Sa puwit. Para sa mga batang wala pang 3 taong gulang, pinakatumpak ang temperatura sa puwit.

  • Noo (temporal). Gumagana ito sa mga batang nasa edad na 3 buwan at mas matanda. Kung may mga senyales ng sakit ang batang wala pang 3 buwang gulang, maaari itong magamit bilang unang pass. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.

  • Tainga (tympanic). Tumpak ang temperatura sa tainga pagkatapos ng edad na 6 na buwan, ngunit hindi bago ang edad na ito.

  • Kili-kili (axillary). Ito ay hindi gaanong maaasahan ngunit maaaring magamit para sa unang pass upang tingnan ang batang anuman ang edad na may mga palatandaan ng sakit. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.

  • Bibig (oral). Huwag gumamit ng thermometer sa bibig ng iyong anak hanggang sa siya ay hindi bababa sa 4 na taong gulang.

Gamitin ang thermometer sa puwit nang may pag-iingat. Sundin ang mga direksyon ng gumagawa ng produkto para sa tamang paggamit. Dahan-dahan itong ipasok. Pangalanan ito at tiyaking hindi ginagamit sa bibig. Maaari din itong magpasa ng mga mikrobyo mula sa dumi. Kung hindi ka OK sa paggamit ng thermometer sa puwit, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung anong uri ang gagamitin sa halip. Kapag makikipag-usap ka sa sinumang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak, sabihin sa kanya kung anong uri ang ginamit mo.

Nasa ibaba ang kung kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan kung may lagnat ang iyong anak. Maaari kang bigyan ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ng iba’t ibang numero. Sundin ang kanyang mga tagubilin.

Kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak

Para sa isang sanggol na wala pang 3 buwang gulang:

  • Una, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung paano mo dapat kuhanin ang temperatura.

  • Puwit o noo: 100.4°F (38°C) o mas mataas

  • Kili-kili: 99°F (37.2°C) o mas mataas

  • Lagnat na ___________ayon sa ipinayo ng tagapangalaga

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer