Diabetic Retinopathy: Paggamot Gamit ang Laser
Napipinsala ng diabetes ang mga daluyan ng dugo sa retina. Ang retina ay nasa likuran ng mata. Ang pinsalang ito ay maaaring magdulot ng pagkawala ng paningin o maging ng pagkabulag. Tinatawag itong diabetic retinopathy. Ang laser photocoagulation ay maaaring makatulong sa pagpapabagal o pagtigil ng sakit na ito. Ang paggamot gamit ang laser ay hindi laging pinakamahusay na opsyon ng paggamot para sa diabetic retinopathy. Nakabatay ito sa iyong kondisyon. Ang ilang tao ay maaaring mangailangan ng oeprasyon sa mata o mga turok sa mata (mga iniksyon). Ang mga taong nagpaplanong magbuntis o bagong buntis ay dapat magpatingin para sa diabetic retinopathy. Ang paggamot na ito ay maaaring kailanganin sa pagbubuntis.
Ano ang laser photocoagulation?
Ang paggamot na ito ay gumagamit ng isang mataas na enerhiya ng pinagkukunan ng liwanag na tinatawag na laser. Pinipigil ng laser ang paglaki ng bagong mga daluyan ng dugo sa mata. Ang laser ay nakatutok sa retina. Ang init mula sa laser ay nagdudulot ng pagkapilat. Nililimitahan ng pagkapilat ang paglaki ng mga bagong daluyan ng dugo. Maaari ding ihinto ng mga laser ang pamamaga. Tumutulong ito na pagalingin ang iyong mata at tumutulong sa mata na sumipsip ng labis na likido. Kung minsan, isinasama ang gamot sa paggamot gamit ang laser. Maaaring kabilang dito ang mga turok na steroid o mga gamot na pumipigil sa mga daluyan ng dugo na lumaki.

Mga uri ng paggamot gamit ang laser
Ang paggamot na makukuha mo ay nakadepende kung gaano kalala ang pinsala at kung nasaan ito. Maaaring tumagal ang paggamot ng ilang minuto hanggang 30 minuto. Maaaring kailanganin mo ng higit sa 1 sesyon o uri ng paggamot. Kabilang sa mga ito ang:
-
Paggamot na pan-retinal. Binabawasan nito ang paglaki ng mga bagong daluyan ng dugo sa retina.
-
Paggamot gamit ang grid. Ginagamot nito ang pamamaga sa macula. Ang macula ay isang spot sa gitna ng retina na tumutulong sa iyo na makakita nang malinaw.
-
Paggamot na focal. Tinatakpan nito ang mga maliit na bahagi ng pagtulo sa retina.
Paghahanda para sa paggamot gamit ang laser
-
Hilingin sa isang adultong miyembro ng pamilya o kaibigan na ipagmaneho ka pauwi pagkatapos ng paggamot.
-
Magdala ng madilim na salamin sa mata na isusuot pauwi ng bahay.
-
Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung ano ang inireseta at mga gamot na nabibili nang walang reseta ang iniinom mo. Sabihin sa kanya kung ano ang mga bitamina, mga halamang gamot, at iba pang suplemento na iniinom mo. Sabihin sa kanya kung umiinom ka ng aspirin, ibuprofen, ginkgo, warfarin, o iba pang pampalabnaw ng dugo.
-
Basahin ang form ng pahintulot. Isinasaad ng form na ito na nauunawaan mo ang mga panganib ng pamamaraan at sumasang-ayon kang magpatuloy. Magkaroon ng mga sagot sa iyong mga tanong bago mo pirmahan ang form.
Sa panahon ng paggamot gamit ang laser
Maaaring gawin ang paggamot gamit ang laser sa opisina ng tagapangalaga ng kalusugan, ospital, o eye center. Habang ginagawa ang pamamaraan:
-
Gising ka sa panahon ng paggamot.
-
Palalakihin muna ng tagapangalaga ng kalusugan ang iyong pupil o balintataw gamit ang mga pampatak sa mata. Pagkatapos, ilalagay ang mga pampatak upang maging manhid ang ibabaw ng mata.
-
Naglalagay siya ng isang espesyal na contact lens sa iyong mata. Para makatulong ito na makapokus ang laser sa retina.
-
Sasabihan ka na tumingin sa ilaw gamit ang iyong isang mata. Ito ay upang hindi gumalaw ang iyong mga mata sa panahon ng paggamot gamit ang laser.
-
Aalisin ang espesyal na contact lens kapag naisagawa na ang paggamot gamit ang laser.
Pagkatapos ng paggamot gamit ang laser
-
Maaari kang makakuha ng isusuot na pantapal sa mata. Maaari mong isuot ito sa loob lang ng ilang oras. O maaari mong isuot ito sa loob ng ilang araw.
-
Maaari kang sabihan na gumamit ng mga pampatak sa mata.
-
Madalas na hindi mo na kailangang ihinto ang pag-inom ng mga pampalabnaw ng dugo. Ngunit kung sinabi sa iyo na gawin ito, itanong kung kailan ka maaaring magsimula na inumin ulit ang mga ito.
-
Itanong kung kailan ka maaaring magbuhat ng mga bagay, mag-ehersisyo, at lumangoy ulit. Itanong kung kailan ka maaaring magmaneho at bumalik sa trabaho.
-
Humingi ng numero upang tumawag kung may mga problema ka o mga tanong kapag nakauwi ka na.
-
Humingi ng mga tagubiling nakasulat para sa paglabas. Humiling sa tagapangalaga na i-print ang mga ito sa malaking letra kung malabo ang iyong paningin.
Pagkontrol sa pananakit
Bihirang nagdudulot ng kirot ang paggamot gamit ang laser. Bibigyan ka ng gamot upang gamutin ang iritasyon sa mata, kung mangyari ito. Tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon kang labis na pananakit ng mata o hindi maginhawa.
Mga panganib at posibleng komplikasyon ng paggamot gamit ang laser
Kabilang sa mga panganib at posibleng komplikasyon ng paggamot gamit ang laser ang:
-
Iritasyon sa mata
-
Pagdurugo sa retina
-
Pagtanggal ng retina
-
Gasgas na cornea
-
Pagluluha ng mga mata
-
Lumaking mga balintataw
-
Banayad na pananakit ng ulo
-
Doble, malabo, o nabawasang paningin
-
Nakakakita ng mga spot
-
Nanlilisik ang mata
-
Pagkawala ng paningin sa gabi o paningin sa gilid (peripheral)
-
Hindi gumagana ang laser therapy at nawala ang paningin
Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan
Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon kang biglaang pananakit o mga problema sa paningin pagkatapos ng operasyon ng paggamot gamit ang laser.
Online Medical Reviewer:
Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer:
Rita Sather RN
Online Medical Reviewer:
Robert Hurd MD
Date Last Reviewed:
7/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.